"ANG HINAHARAP NG KURIKULUM SA FILIPINO: K+12, UBD AT MLE"
Andrew Gonzales Multi-Purpose Hall, Andrew Bldg. DLSU-Manila 20/F. Mayo 4-6, 2011.
Sa mga guro ng Filipino, administrador, at mag-aaral:
Malugod po namin kayong inaanyayahang dumalo sa pambansang seminar-worksyap sa Filipino na itinataguyod ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila. Ang seminar-worksyap ngayong taon ay may temang “Ang Hinaharap ng Kurikulum sa Filipino: K+12, UBD at MLE”.
Maaari po ninyong tingnan ang links tungkol sa ilang impormasyon hinggil sa K+12, UBD at MLE.
Layunin ng seminar-worksyap na ito na mapataas ang antas ng kaalaman at kasanayan tungkol sa mga pagbabago sa kalakaran sa tatlong antas ng pagtuturo: elementarya, hayskul at kolehiyo.
Gaganapin po ang seminar-worksyap sa Andrew Gonzales Multi-Purpose Hall sa Andrew Bldg. ng DLSU-Manila 20th Flr. sa Mayo 4-6, 2011.
Kalakip ng paanyayang ito ang DepEd Memorandum Pangkagawaran Blg. 39, s. 2011 na may petsang Enero 27, 2011, Memorandum mula sa CHED at Memorandum ng Komisyon sa Wikang Filipino na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa nabanggit na seminar-worksyap.
Ang rehistrasyon ay nagkakahalaga ng tatlong libong piso (Php 3,000.00).
Makakatulong nang malaki ang inyong maagang pagtugon gamit ang reply slip. Maaari rin kayong tumawag sa numerong (02) 5244611 local 509 para sa iba pang detalye o kaya ay i-fax ang reply slip sa (02) 5244611 local 552 kay Ms. Malou Bagona, sekretarya ng departamento.
Maraming salamat po!
Gumagalang,
Dr. Josefina C. Mangahis
Direktor, Pambansang Seminar 2011
Tagapangulo, Departamento ng Filipino
drj_mangahis@yahoo..com
No comments:
Post a Comment